Nagsusunog ng Kilay – Kahulugan At Halimbawa Nito
NAGSUSUNOG NG KILAY KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng nagsusunog ng kilay at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang talinhagang “nagsusunog ng kilay” ay nangangahulugan na nagsisipag o nag-aaral ng Mabuti ang isang tao upang makakuha ng mataas na grado. Tila ba’y nagsasakripisyo siya ng tulog at oras upang makapag aral lamang.
Ang kasabihang ito ay nagmula pa raw noong unang panahon na hindi pa sikat ang teknolohiya at taningig gasera at lampara lamang ang gamit ng mga estudyanteng nagbabasa. Dahil sa pagtutok ng mga ito sa libro, halos magkadikit na ang kilay at ang lampara.
Ang teminong “nagsusunog ng kilay” ay mahalaga dahil ito’y pagtukoy sa lahat ng sakripisyo ng isang estudyante upang magkaroon ng malaking grado sa paaralan. Mahalaga ang edukasyon sa ating bansa dahil maraming pamilya ang lubos na makaahon sa kahirapan.
BASAHIN DIN: Hampas-lupa – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng nagsusunog ng kilay:
- Maraming estudyante ang nagsusunog ng kilay dahil malapit na ang pagsusulit.
- Ako ay nagsusunog ng kilay upang ako’y magkaroon ng mataas na marka.
- Nagsusunog ng kilay ang batang ito dahil nais niyang hanguin sa kahirapan ang kanyang pamilya.
- Nagbunga na rin ang kaniyang mahabang taon na pagsusunog ng kilay sa kolehiyo.
- Ang mga nag-aaral ng abogasya ay talagang nagsusunog ng kilay.
BASAHIN DIN: Hindi Madapuan Ng Langaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Philnews YouTube Channel
Philnews.ph FB Page
Viral Facts