Naghihintay Ng Pasko Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Naghihintay Ng Pasko Kahulugan At Halimbawa Nito

NAGHIHINTAY NG PASKO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang naghihintay ng pasko at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Marami paring mga ekspresyon ng mga Pinoy na hindi maintindihan ng mga nakababatang henerasyon. Ang wika natin ay mayaman at hitik sa maraming klase na panitikan.

Isang uri ng panitikang Pinoy ay ang mga talinhagang salita. Ang mga salitang ito ay may malalalim na kahulugan. Ito’y ginagamitan ng idyoma, kasabihan, simili, personipikasyon at iba pang mga mabulaklak o nakakalitong mga salita.

NAGHIHINTAY-NG-PASKO-KAHULUGAN-1

Isa sa pinaka popular na talinhaga sa bansa ay ang “naghihintay ng pasko.” Ang salitang ito ay tumutukoy sa taong mabagal o tila walang pake sa sa oras. Ang naghihintay ng pasko ay maari ding tumukoy sa isang petsa na pinaka-aantay mo at atat ka na sa pag dating nito.

Ang talinhagang ito ay karaniwang ginagamit sa pag-uusap na hindi pormal. Likas lang sa tao ang pagiging mainipin kaya na buo ang terminong ito.

BASAHIN DIN: Parang Biyernes Santo Ang Mukha – Kahulugan At Halimbawa Nito

Man
Photo Source: 123RF

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng naghihintay ng pasko:

  • Kung kumilos si Helen parang naghihintay ng pasko.
  • Sabi ni teacher Rose parang naghihintay ng pasko ang kanyang mga estudyante.
  • Ang mumukmok na naman si Kim tila naghihintay ng pasko.

BASAHIN DIN: May Sariling Mundo – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment