Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Malaking Isda? (Sagot)
MALAKING ISDA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng malaking isda at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang mga matalinhagang salita ay may malamim na kahulugan o di kaya’y halos walang tiyak na ibig-ipaliwanag sa literal na kahulugan nito. Ito’y ginagamintan ng mga idyoma, kasabihan, simili, personipikasyon at iba pang uri ng mga makakalito o mabubulaklak na mga salita.
Ito’y kadalasang ginagamit ng mga manunulat para mahikayat pa ang kanyang mga mambabasa. Mahirap nga itong unawain pero nagiging kawili-wili o misteryoso pa ang mga salitang ito.
Ang matalinhagang salita na “malaking isda” ay tumutukoy sa isang mahalaga o makapangyarihang tao. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa isang politiko na hindi tapat sa kanyang trabaho o merong katiwaliang ginagawa. Tinatawag silang malaking isda dahil kailangan silang mahuli upang ma hinto ang masamang ginagawa nila.
Mahalaga ang salitang ito sa mundo ng pagsusulat dahil hindi pinahihintulitan ang pag pangalan sa mga abusadong emplyado ng pamahalaan. Ang manunulat ay maaring makasuhan kapag direkta nyang sinabihang magnanakaw o tiwali ito.
BASAHIN DIN: Makapal Ang Bulsa – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng malaking isda:
- Magtitipon-tipon na naman daw sa susunod na linggo ang mga malalaking isda doon sa club house.
- Matibay ang ebidensya ng mga pulis laban sa malaking isda na nahuli nila casino.
- Anak daw ng isang malaking isda ang mapapangasawa ni Juliet.
- Nakabingwit ka pa ng malaking isda sa edad mong yan ha?
BASAHIN DIN: Bahag Ang Buntot Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page