Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Kalapating Mababa Ang Lipad? (Sagot)
KALAPATING MABABA ANG LIPAD KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang kalapating mababa ang lipad. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang salitang “kalapating mababa ang lipad” ay tumutukoy sa isang babae na nagbebenta ng aliw o isang tao na mababa lang ang naging antas ng pamumuhay kaya nagkaganoon. Sa madaling salita, sya’y bayarang babae o nagtatrabaho sa isang bahay-aliwan.
Ang salitang ito ay pwede ring mangahulugan na ang isang babae ay may mababang pangarap.
Ang “kalapating mababa ang lipad” ay madalas gamitin bilang pantukoy sa isang tao na may hindi kaaya-ayang trabaho katulad ng pag bibigay ng aliw. Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit sa mga nobela, tula, sanaysay, pagbabalita, at iba pang akda.
BASAHIN DIN: Lantang Gulay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng kalapating mababa ang lipad:
- Ang sityo Punao ay itinuturing ng mga tao na isang lugar kung saan maraming mga kalapating mababa ang lipad.
- Itinuturing ng mga kaklase ni Kim na kalapating mababa ang lipad ang kanyang nakakatandang kapatid na si Kendra.
- Kayraming kalapating mababa ang lipad ang naglakad sa lansangan.
- Nabalitaan ko na marami daw kalapating mababa ang lipad sa inyong lugar.
BASAHIN DIN: Mabigat Ang Kamay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page