Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Ikrus Sa Noo? (Sagot)
IKRUS SA NOO KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang ikrus sa noo. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang salitang “ikrus sa noo” ay isang halimbawa ng idyoma. Ito ay nangangahulugan na tandaan o itanim sa isip ang ano mang bilin o sinasabi.
Ang katagang ito ay maari ding tumukoy sa mga leksyon na dapat na tandaan kapag nasa eskwela upang magkaroon na taas na grado sa paaralan.
Ang “ikrus sa noo” ay nagmula sa pagiging Katolikong bansa ng Pilipinas. Sabi kasi ng mga nakakatanda, kapag nilagyan ng krus ang isang bagay, nagiging mahalaga ito. Kaya naman, kapag ikinrusan ang ulo, ito ay mahalaga at hindi dapat na kalimutan.
Ang talinhagang ito ay salamin din ng papapahalaga ng mga Pinoy sa ating pananampalataya. Ito’y kadalasang ginagamit sa pampanitikan dahil ito ay simbolismo ng pananalig.
BASAHIN DIN: Nagsusunog ng Kilay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng ikrus sa noo:
- Dapat lang na ikrus sa noo ang lahat ng sinasabi ng iyong ina.
- Ikrus sa noo na lahat ng problema na ating kinahaharap sa kasalukuyan ay atin ding malulunasan.
- Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo.
- Ikrus sa noo ang mga pangaral ng iyong magulang.
BASAHIN DIN: Hindi Madapuan Ng Langaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page