Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Hindi Madapuan Ng Langaw? (Sagot)
HINDI MADAPUAN NG LANGAW KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng hindi madapuan ng langaw at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “hindi madapuan ng langaw” ay isang halimbawa ng sawikain o “idiom” sa salitang Ingles. Ito ay isa sa pinaka sikat na talinhaga sa bansa.
Ang terminong ito ay maririnig sa mga usapan lalo na ng mga matatanda. Madalas din itong gamitin sa mga akdang pampanitikan tulad ng kuwento, tula, at sanaysay.
Ang “hindi madapuan ng langaw” ay tumutukoy sa isang tao na pinoprotektahan o inaalagaan. Pwede ring itong gamitin sa mga tao na malinis, maganda ang bihis o labis na minamahal.
Ang talinhagang ito ay nagmula sa pagprotekta natin sa mga pagkain laban sa langaw. Itinuturing ng marami na peste ang mga langaw.
BASAHIN DIN: Hampas-lupa – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng hindi madapuan ng langaw:
- Hindi madapuan ng langaw ang batang si Catherine.
- Tignan mo si Max di madapuan ng langaw sa suot na tuxedo.
- Halos lahat na anak ng mga negosyante hindi madapuan ng langaw.
BASAHIN DIN: Guhit Ng Tadhana Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page