Hampas-lupa – Kahulugan At Halimbawa Nito

Hampas-lupa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

HAMPAS LUPA KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang hampas lupa. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang “hampas-lupa” ay isa sa pinaka popular na sawikain sa bansa. Ito’y madalas ginagamit sa telebisyon o pelikula.

Mababasa rin ang salitang ito sa mga nobela. Minsan, nagagamit ito sa mga usapan na ang paksa ay tungkol sa kalagayan ng buhay ng isang tao. Ito’y dalawang salita na pinag sama na binigyan ng isang kahulugan.

HAMPAS-LUPA-KAHULUGAN

Ang “hampas-lupa” ay nangangahulugan na ang isang tao ay may estado sa buhay na may kahirapan. Ang taong ito ay mahirap lamang, pobre, dukha, walang pinag-aralan, walang pera, at isang kahig isang tuka.

Ang salitang ito ay nagmula sa paniniwalang ang mga pobre ay nasa lupa o nasa ilalim lamang habang ang mga mayayaman ay nasa ibabaw.

BASAHIN DIN: Guhit Ng Tadhana Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

poor-Filipino
Photo Source: my_sarisari_store.typepad.com.

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang hampas-lupa:

  • Kahit na hampas lupa lang si Oliver ay minahal na parang tunay na anak ng mag-asawang umampon sa kanya.
  • Pinalayas ni Bernard ang kanyang mga bisita sapagkat sila ay mga hampas lupa.
  • Pinalayas ni Doña Maria ang mapapangasawa ni Fernando sapagkat si Celia ay isa lamang hampas lupa.
  • Nagsimula sa pagiging hampas lupa si Kurt na ngayon ay tinitingala na siya ng marami dahil sa siya ay mayaman na ngayon.

BASAHIN DIN: Bukod Na Pinagpala Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment