Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Guhit Ng Tadhana? (Sagot)
GUHIT NG TADHANA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng guhit ng tadhana at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “guhit ng tadhana” ay isang halimbawa ng sawikain. Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga.
Ang mga ganitong uri ng salita ay nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang tao, pook, bagay, o pangyayari. Ang mga salitang ito ay kadalasang nagdadala ng aral at nagpapahiwatig ng damdamin.
Ang sawikaing “guhit ng tadhana” ay tumutukoy sa kapalarang nangyayari sa isang tao. Ito’y pwede ding itawag sa nakatadhang buhay o harapin ng isang tao.
Meron kasing kasabihan na ang kapalaran ng tao ay nakaguhit na at wala na tayong magagawa pa rito kaya kailangan nalang nating harapin ito at resolbahin. Ang salitang ito ay madalas mabasa sa mga pormal na babasahin tulad ng sanaysay, tula, o mga maikling kwento. Ang “guhit ng tadhana” ay nagagamit din sa pelikula at telebisyon na merong paksa tungkol sa maaksyon o madramang buhay ng tao.
BASAHIN DIN: Bukod Na Pinagpala Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng guhit ng tadhana:
- Ito na yata talaga ang aking guhit ng tadhana.
- Siya yung babae na guhit ng aking tadhana.
- Nasa guhit na ng tadhana na magkikitang muli ang mag-ina.
- Ang guhit ng tadhana ay hindi dapat maging pamantayan ng tao sa pagharap sa buhay.
BASAHIN DIN: Basag-ulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page