Gintong Kutsara Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Gintong Kutsara – Kahulugan At Halimbawa Nito

GINTONG KUTSARA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng gintong kutsara at ang halimbawa nito.

Ang mga matalinhangang salita ay isang uri ng panitikang Pilipino. Palagi itong ginagamit ng mga linggwistiko sa pag limbag ng mga iba’t ibang uri ng babasahin.

Ang mga ganitong klase na mga salita ay may malalalim na kahulugan katulad na lamang ng salitang “gintong kutsara.”

GINTONG-KUTSARA-KAHULUGAN

Ang talinhagang “gintong kutsara” ay nangangahulugan na ang isang tao ay mayaman o nag mula sa may kayang pamilya. Simple man ang sawikaing ito ngunit meron itong malaking pahiwatig lalo na sa kulturang Pilipino.

Sa isang bansa tulad ng Pinas na maraming mahihirap na pamilya, ang pag-aari ng ginto ay isa lamang prebilehiyo, lalo na ang magkaroon ng ganitong klaseng kutsara na ginagamit lamang sa pagkain. Ang ginto ay ginagamit na pang-alahas na sa ilang mahihirap, pero ang mamahalin na metal na ito ginagamit lang na kubyertos ng mayayaman.

BASAHIN DIN: Krus sa Balikat Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Rich-man-1
Photo Source: Inc. Magazine

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng gintong kutsara:

  • Ang babaeng yan ay talagang may gintong kutsara sa bibig.
  • Si Hannah ay nakakaranas sa buhay ng gintong kutsara dahil sa kanyang pamilya.
  • Hindi kami katulad niya na ipinanganak na may gintong kutsara.
  • Si Gina ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.

BASAHIN DIN: Maitim ang Budhi Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment