Buto’t Balat – Kahulugan At Halimbawa Nito

Buto’t Balat Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

BUTO’T BALAT KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang buto’t balat at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang salitang buto’t balat ay isang halimbawa ng sawikain. Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga.

Parati itong ginagamit ng mga lingwistiko sa pag limbag ng mga babasahin. Ang iba naman rito ay ginagamit na sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. Ang mga sawikain ay nagsisilbi ding “ice breaker” dahil nakakapukaw ito ng damdamin ng nagbabasa o nakikinig.

BUTOT-BALAT-KAHULUGAN

Ang sawikaing “buto’t balat” ay tumutukoy sa taong napakapayat. Pwede rin itong itawag sa taong kulang sa nutrisyon. Sa Ingles, matatawag itong “skin and bones.”

Kapag kasi payat ang isang tao, possible itong may karamdaman. Ang salitang ito ay naging bahagi na rin ng panunudyo o pang-aasar ng mga Pinoy sa mga taong may mapayat na pangangatawan.

BASAHIN DIN: Naghihintay Ng Pasko Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

BUTOT-BALAT-2
Photo Source: The Daily Beast

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng buto’t balat:

  • Halos buto’t balat na si Harold ng dalawin naming sa ospital.
  • Malakas naman si Jane kumain pero bakit buto’t balat pa rin ang itsura niya?
  • Karamihan sa mga bata doon sa pinuntahan namin buto’t balat ang katawan.
  • Naging halos buto’t balat na si Banjo, lumubog na ang kanyang mga pisngi at bumagsak ng husto ang kanyang katawan.

BASAHIN DIN: Butas Ang Bulsa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment