Butas Ang Bulsa – Kahulugan At Halimbawa Nito
BUTAS ANG BULSA KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang butas ang bulsa. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “butas ang bulsa” ay isang halimbawa ng sawikain. Ang sawikain of “idiom” sa salitang Ingles ay grupo ng mga salita na patalinhaga ang pagkasulat o pagkabigkas. Ang ganitong klase ng mga salita ay nagsasabi ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay o kaganapan.
Ang talinhagang “butas ang bulsa” ay tumutukoy sa isang tao ng walang pera. Pwede rin itong itawag sa taong walang sapat na pera sa kasalukuyan ngunit hindi naman sobrang naghihikahos.
Ang “butas ang bulsa” ay naging isang talinhaga dahil sa literal na kahulugan na kapag butas ang bulsa ng isang tao, hindi ito nalalagyan ng pera. Pwede rin itong iugnay sa pag lagay ng salapi sa bulsa na hindi mo maipon dahil mawawala lang ito.
Karaniwang nababasa ang terminong ito sa mga dula, tula, sanaysay, at iba pa. Parati din itong ginagamit sa mga usapan.
BASAHIN DIN: Naghihintay Ng Pasko Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng butas ang bulsa:
- Laging butas ang bulsa ni Peter dahil sa kanyang bisyo.
- Butas ang bulsa ni Mang Kanor kung kaya’t hindi siya nakabayad agad ng kuryente.
- Madaming pinaggastuhan si Carla kaya butas ang bulsa nya ngayon.
- Mahirap talaga kapag butas ang bulsa.
- Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.
BASAHIN DIN: Parang Biyernes Santo Ang Mukha – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page