Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Bukod Na Pinagpala? (Sagot)
BUKOD NA PINAGPALA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang bukod na pinagpala at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang “bukod na pinagpala” ay isa sa pinaka sikat na talinhaga sa bansa. Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay maraming biyayang nataggap o kaya’y maraming magagandang bagay na nangyayari sa kanyang buhay.
Ang talinhagang ito ay ilang ulit na nabanggit sa Bibliya. Tulad ni Maria na dakila at bukod na pinagpala sa lahat ng babae dahil sa kanyang katapatan at pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Ang “bukod na pinagpala” ay parating ginagamit sa mga pormal na usapan o sulatin. Ang salitang ito’y binibigyan ng pansin ang kagandahan ng nagyayari sa buhay ng isang tao.
Pwede din itong gamitin sa ordinaryong usapan. Ito’y nagiging biruan pa ng mga magkaibigan kapag merong magandang takbo ng buhay.
BASAHIN DIN: Bilang Na Ang Araw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bukod na pinagpala:
- Si Jun ang bukod na pinagpala sa ating lahat kasi sya lang tinaasan ng sweldo.
- Sobrang ganda ni Barbie, mabait at matalino pa siya ay bukod na pinagpala.
- Si Helen na ang bukod na pinagpala dahil sya ang nanalo sa patimpalak sa kagandahan.
BASAHIN DIN: Basag-ulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page