Basag-ulo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Basag-ulo – Kahulugan At Halimbawa Nito

BASAG-ULO KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang basag-ulo. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.

Ang salitang “basag-ulo” ay isa sa pinaka popular na talinhaga sa bansa. Kailangan nating malaman ang kahulugan ng mga matalinhagang salita dahil parating ginagamit ng mga linggwistiko.

Mababasa rin ang talinhagan ito sa mga dula, tula, kwento, sanaysay, o iba pang sulatin. Mahilig gumamit ng mga matalinhagang salita ang mga manunulat dahil mas nagiging kawili-wili ang kanilang mga obra.

BASAG-ULO-KAHULUGAN

Ang “basag-ulo” ay tumutukoy sa taong mahilig makipag-away o laging nasasangkot sa gulo. Pwede rin itong gamitin na pantukoy sa problema o kaguluhan.

Literal kasing maaring mapinsala o mabasag ang ulo kapag nakikipag away. Ang salitang ito ay naging kataga dahil madali na itong maunawaan ng mga makababasa o makaririnig. Ito ay termino ng mga matatanda sa mga kaguluhan.

BASAHIN DIN: Bilang Na Ang Araw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Basag-ulo-1
Photo Source: DeviantArt

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng basag ulo:

  • Si Kanor ay binansagang basag-ulo dahil lahat ng makakasalubong niya sa daanan ay inaaway niya.
  • Basag ulo ang asawa ng kapitbahay natin kaya halos sa prisinto na siya tumira.
  • Sinuntok ni Norbert ang tatlong basag-ulo na mahilig sa inuman sa kanto.
  • Huwag kang sumama sa mga taong basag-ulo.

BASAHIN DIN: Pantay Ang Paa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment