Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Bahag Ang Buntot? (Sagot)
BAHAG ANG BUNTOT – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng bahag ang buntot at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang wikang Pinoy ay mayaman sa iba’t ibang klase ng panitikan. Ito’y kadalasang ginagamit ng mga manunulat upang mahikayat pa ang kanyang mambabasa.
Ang mga matalinhagang salita ay mahirap unawain at intindihin ngunit sa kabila nito, nagiging kawili-wili o misteryo pa ang mga salitang ito. Ang salitang “bahag ang buntot” ay isa sa pinaka sikat na idyoma sa bansa.
Ang ibig sabihin ng “bahag ang buntot” ay duwag. Pwede rin itong ilarawan sa taong takot o hindi kayang ipagtanggol ang sarili o kawpa tao sa iba.
Ang salitang ito ay nagmula sa pagkukumpara sa hayop katulad ng aso dahil kapag ang aso ay agresibo, nagtataas ito ng buntot. Kapag maamo naman ito, ay nakabahag lang. Mahalaga ang idyomang ito sa panitikang Pilipino dahil isa itong paraan upang alamin ang isang taong walang bilib sa sarili.
BASAHIN DIN: Makapal Ang Bulsa – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bahag ang buntot:
- Nabahag ang buntot ni Norbert ng makita ang kanyang kaaway
- Inisip nilang bahang ang buntot ni Mark, dahil ayaw niya sa madidilim na lugar.
- Nang masilayan ni Tibor ang kanyang kaaway, nabahag ang buntot niya sa takot.
- Doon ka sa mas matapang sa iyo maghamon ng away, huwag kay Bernard na bahag ang buntot.
BASAHIN DIN: Natutulog Sa Pansitan – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page