Anak-Pawis Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Anak-Pawis? (Sagot)

ANAK-PAWIS KAHULUGAN -Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng anak-pawis at ang halimbawa nito.

Ang salitang “anak-pawis” ay isang halimbawa ng sawikain o “idioms” sa wikang Ingles. Ang idyoma ay mga salita na nagtataglay na talinghaga.

Ibig sabihin, ang kahulugan ng mga salitang ito ay hindi literal. Meroon itong mga nakatagong kahulugan asa iba’t ibang bagay.

ANAK-PAWIS-KAHULUGAN

Ang ibig sabilin ng “anak-pawis” ay pagiging dukha o mahirap. Ito ang mga tao na naghihikahos sa buhay o isang manggagawa na merong napakaliit lamang na kita. Kadalasan, ang anak-pawis ay iniuugnay sa mga magsasaka o mga manggagawa ngunit hindi naman lahat.

Nakuha ang terminong ito dahil ipinahihiwatig nito na kailangan pa ng isang taong mahirap na ibuhos ang kanyang pawis para lang kumita ng pera. Ang salitang ito’y simbolo rin ng kasipagan ng maraming Pinoy na kumakayod para sa kanilang pamilya.

BASAHIN DIN: Harangan Man Ng Sibat Kahulugan At Halimbawa Nito

poor-filipinos-1
Photo Source: The Filipino Times

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng anak-pawis:

  • Ang mga politiko ay nagbigay ng tulong para sa mga anak-pawis na magsasaka sa probinsya.
  • Kahit anak-pawis ay naabot parin ni Elizabeth ang kanyang pangarap.
  • Ang anak-pawis na si Joniel ay nagtiyaga at nagsikap upang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
  • Sabi ng aking ama walang daw masama sa pagiging anak-pawis.

BASAHIN DIN: Natutulog Sa Pansitan – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment