Agaw-buhay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Agaw-buhay? (Sagot)

AGAW-BUHAY KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng agaw-buhay at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Marami sa ating mga Pilipino lalo na yung mga Gen Z ang nalilito kapag nakakatagpo ng mga malalalim na salita sa tuwing nagbabasa. Kaya naman, kailangan nating pagtuunan din ng pansing ang mga salitang hindi familiar sa atin o may malalalim na kahulugan.

Ang mga linggwistiko o manunulat ay kadalasang gumagamit ng mga sawikain dahil nagdadala ito ng aral at nagpapahiwatig ng damdamin. Sa halip na pang karaniwang salita ang ginagamit, malalalim o matalinhagang salita ang ginagamit nila.

AGAW-BUHAY-KAHULUGAN

Isa sa pinaka popular na talinhagang salita sa bansa ay ang salitang “agaw buhay.” Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay nasa bingit na nga kamatayan, kritikal na kondisyon, o nag hihingalo na.

Ang talinhagang ito ay literal ang pagpapakahulugan. Ang ibig sabihin ay nag-aagaw ang kamatayan o pagkabuhay ng isang tao.

BASAHIN DIN: Kumukulo Ang Tiyan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Dying-person
Photo Source: medicinenet.com

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng agaw-buhay:

  • Nag-agaw buhay si Pedro matapos siyang pagsasaksakin ng nakaaway nya sa kanto.
  • May lalaking nag-agaw buhay sa palengke kanina.
  • Nag-aagaw buhay nang dalhin sa ospital ang babae na nasagasaan ng taxi.
  • Bago pa man mag-agaw buhay si Savana, nasabi niya ang kaniyang nararamdaman kay Val.

BASAHIN DIN: Maitim ang Budhi Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment