Putok Sa Buho Kahulugan At Halimbawa

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Putok Sa Buho? (Sagot)

PUTOK SA BUHO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng putok sa buho at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang salitang “putok sa buho” ay isa sa mga karaniwang ekspresyon ng mga Pilipino na hindi maiintindihan ng mga nakababatang henerasyon. Ayon sa alamat, ang mga Pilipino at ang buong kabihasnan ng tao ay may utang na loob sa dalawang tao: ang unang lalaki, si Malakas (Strong), at ang unang babae, si Maganda (Beautiful). Ayon sa mitolohiya ng Pilipinas, parehong silang lumabas mula sa isang kawayan na nahati sa tulong ng isang ibon.

Ang kwento ng paglikha na ito ay sinasabing pinagmulan ng pananalitang “putok sa buho” o “sprout from the bamboo” sa wikang Ingles. Binibigyang-diin nito ang katotohanan na sina Malakas at Maganda ay nanggaling, at walang kilalang mga magulang.

Dahil dito, kadalasang ginagamit ng mga Pinoy ngayon ang pananalitang tumutukoy sa isang ampon (na ang mga magulang at kanilang kinaroroonan ay hindi alam) o isang bastardo (isang batang walang ama).

Ang ibig sabihin nito sa Ingles ay “child born out of wedlock.” Ang literal na kahulugan naman nito ay “sprout from the bamboo.”

BASAHIN DIN: Amoy Pinipig Kahulugan At Halimbawa

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang “putok sa buho”:

  • Si Simon ay basta na lamang sumusulpot na tila putok sa buho.
  • Kahit putok sa buho si Alfred ay hindi siya nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba, bagkos ay mas lalo pa niyang pinagbuti ang kanyang pag aaral.
  • Si Aling Rosa ay may dalawang anak na putok sa buho.
  • Putok sa Buho si Beth kaya madalas ay tinutukso sya ng kanyang mga kalaro.
  • Marami ang putok sa buho ang napapariwara ang buhay,dahil sa pagnanais nila na sana buo rin ang kanyang pamilya.
  • Putok sa Buho si Juliet kaya madalas ay tinutukso sya ng kanyang mga kalaro.

BASAHIN DIN: Kaututang Dila Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment