Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Pinagbiyak Na Bunga? (Sagot)
PINAGBIYAK NA BUNGA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang pinagbiyak na bunga at iba pang kaalaman tungkol dito.
Ang kawikaain, matalinhagang salita o idyoma ay bahagi ng wikang Pinoy. Ang mga salitang ito ay nakakatulong upang maging maganda at makabuluhan ang mga bawat salita na ginagamit ng mga manunulat.
Isa ang pinaka popular na idyoma ay ang pinagbiyak na bunga. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay magkamukha sa itsura.
Kung ang dalawang tao ay lubhang magkamukha o magkatulad ng gawi o pag-uugali, sila ay maaring tawaging pinagbiyak na bunga. Sila’y tinatawag na ‘magkabiyak na bunga’ dahil ang pagkakatulad nila ay mula lamang sa iisang puno at pinaghiwalay lamang kaya naging dalawa.
Mahalaga ang salitang ito dahil ginagamit ito na pantukoy sa mga taong magkamukha. Ito’y ginagamit din sa araw-araw na pag-uusap.
BASAHIN DIN: Hating Kapatid – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng pinagbiyak na bunga:
- Ang anak ay kamukha ng ama. Para silang pinagbiyak na bunga
- Sina Romeo at Francis ay parang pinagbiyak na bunga.
- Parang pinagbiyak na bunga ang matalik na magkaibigan na sina Brian at George.
- Si Athena ay kamukha si Jenny, para silang pinagbiyak na bunga.
BASAHIN DIN: Panakip-butas Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page