Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Pasan ang Daigdig? (Sagot)
PASAN ANG DAIGDIG KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng pasan ang daigdig at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Noong unang panahon, ang idyoma ay isa sa mga unang paraan ng pakikipagkomunikasyon. Ginagamit ito ng ating mga ninuno upang bigyan ng kulay ang kanilang mga simpleng salita.
Kailangan din nating malaman ang idyoma dahil dito nagmumula ang ating kasaysayan at nakakapaalala rin ito sa ating pinaggalingan. Ang pag gamit ng mga salitang ito ay nagpapalawak at nagpapahasa din ng ating pagka-Pilipino.
Isa sa pinaka sikat na idyoma ay ang “pasan ang daigdig.” Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang tao na maraming dinadala sa buhay. Ang taong may dinadamdam na ganito ay sinasabing problemado o hindi maubos ang mga iniintindi.
Ang salitang ito ay mula sa pagtanaw ng isang tao na tila daladala nya sa kanyang balikat ang mabigat at magulong mundo na puno ng suliranin. Maraming tao ang naantig sa idyomang ito dahil marami kasi satin ngayon ang mayrong dinadalang problema.
BASAHIN DIN: Haligi Ng Tahanan – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng pasan ang daigdig:
- Wag mong isipin na pasan mo ang daigdig, idasal mol ng sa panginoon na bigyan ka ng katatagan ng loob.
- Nagmumukmok na naman si Shane na parang pasan nya ang daigdig.
- Kung ikaw ay president ng isang bansa, tila pasan mo ang daigdig.
- Pasan ng mag anak ang daigdig matapos silang masalanta ng bagyo.
BASAHIN DIN: Under Da Saya Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page