Kasagutan: Pag-iisang Dibdib Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
PAG-IISANG DIBDIB KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng pag-iisang dibdib at ang halimbawa nito.
Ang salitang “pag-iisang dibdib” ay nangangahulugan ng kasal o wagas na pagsasama ng lalaki at babae sa bisa ng kasal. Ang pinagmulan ng talinhaga na ito ay dahil sa sermonya ng dalawang taong nagmamahalan na tinatawag na kasal.
Nangangahulugan ito na ang dalawang taong nagmamahalan ay kailangang maging isa sa maraming bagay sa kanilang buhay. Ang sakramento ng kasal ay isang kasunduan na legal ng lalaki at babae upang bumuo ng hindi mapaghihiwalay na buhay at isang maayos at kumpletong pamilya.
Napakahalaga na bago bumuo ng pamilya ay kailagan munang mangako sa harap ng Diyos dahil ang ugnayan ng isang pamilya ay nagsisimula sa pagmamahalan ng mag-asawa. Ang buhay may asawa ang kailangan ng gabay ng pananampalataya sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib sa simbahan.
BASAHIN DIN: Lumagay Sa Tahimik Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng pag-iisang dibdib:
- Ang pag-iisang dibdib nina Jerome at Kelly ay dinaluhan ng mga taong kilala at may mataas na tungkulin.
- Ang pag-iisang dibdib na inaasam ni Chloe ay magaganap na bukas.
- Ang pag-iisang dibdib na ito ay hindi lamang isang pangako.
- Bukas na ang pag-iisang dibdib nina Niña at Michael.
BASAHIN DIN: Lukso Ng Dugo Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page