Namamangka Sa Dalawang Ilog Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Namamangka Sa Dalawang Ilog? (Sagot)

NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng namamangka sa dalawang ilog at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang salitang “namamangka sa dalawang ilog” ay isang sawikain o idyoma. Ang sawikain ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na hindi direktang naglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan, o sitwasyon.

Malalalim ang salita na ginagamit ng sawikain at pinapalitan ng karaniwang salita upang sila ay magiging matatalinhagang pahayag. Ang matatalinhagang salita ay nagsisilbing pampagana sa mga babasahin.

Ang ibig sabihin ng matalinhagang salita na “namamangka sa dalawang ilog” ay pagiging salawahan. Ito’y tumutukoy sa isang tao na mayroong ginagawang pagtataksil sa kanyang asawa o pinagsasabay nya ang dalawang karelasyon.

Ang salitang ito ay karaniwang nauugnay sa pagkakaroon ng kalaguyo o ibang karelasyon. Maari din itong tumutukoy sa taong hindi tapat at papalit-palit ng pinapanigan o kinakampihan.

BASAHIN DIN: Marahuyo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

NAMAMANGKA-SA-DALAWANG-ILOG-2
Photo Source: Steemit

Gamitin natin ang “namamangka sa dalawang ilog” sa pangungusap upang mas maintindihan ito. Heto ang ilang halimbawa:

  • Hindi na lamang kalalakihan ang namamangka sa dalawang ilog ngayon.
  • Namangka sa dalawang ilong si Marvin kung kaya’t hindi sya matatawag na tapat na asawa.
  • Mahirap kapag nahuli ka ng tunay mong asawa na ikaw ay namamangka sa dalawang ilog.
  • Hindi ko ugali ang namamangka sa dalawang ilog ngunit hindi ako makapasya kung kakampihan ko si Felix na aking kapatid o si Andrea na aking boss.

BASAHIN DIN: Naglalaro Ng Apoy Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment