Kasagutan: Nagdilang Anghel Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
NAGDILANG ANGHEL KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang nagdilang anghel at iba pang kaalaman tungkol dito.
Ang salitang magdilang anghel ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang mga ganitong klaseng salita ay patalinhaga ang gamit at hindi ito nagbibigay ng tuwirang kahulugan.
Dahil mas pinapalalim nito ang kanyang pagpapakahulugan, ito’y hindi gaanong ginagamit ng mga tao. Ang kadalasang gumagamit nito ay ang mga manunulat dahil napapaganda at nagiging mas makabuluhan ang kanilang obra.
Isa sa pinakasikat na sawikain ay ang “nagdilang anghel.” Ang salitang ito ay tumutukoy sa taong nagiging totoo ang sinabi na salita na parang nakikita nya ang mangyayari sa hinaharap.
Ang salitang ito ay nagmula sa ilang kasulatan sa Bibliya kung saan ang mga anghel ay nagdadala ng magagandang balita sa mga tao. Tulad ni Maria na sinabihan ng anghel na magkakaroon sya ng anak. Ang salitang nagdilang anghel ay mahalaga sa panitikang Pilipino dahil sa malikhain na paraan ng pagpapahayag ng isang abilidad ng tao na makapag sabi ng maganda sa iba.
BASAHIN DIN: Pinagbiyak Na Bunga Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng nagdilang anghel:
- Salamat sa diyos nagdilang angel ka nang sinabi mong papasa ang anak ko sa board exam.
- Magdilang angel ka sana sa sinabi mong gagaling na ako sa aking karamdaman.
- Magdilang anghel sana si Banjo sa sinabi niyang mananalo sa pagtatanghal si Alyanna.
- Nag dilang anghel ka ng sinabi mong makakauwing ligtas ang aking asawa buhat sa madugong labanan sa Mindanao.
BASAHIN DIN: Hating Kapatid – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page