Kahulugan Ng “Makalaglag-matsing” At Mga Halimbawa Nito
MAKALAGLAG-MATSING KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang makalaglag-matsing at iba pang kaalaman tungkol dito.
Ang wikang Pilipino ay mayaman sa maraming klase ng panitikan at ang isang uri ng panitikang Pinoy ay ang matalinhangang salita. Ang mga salitang ito ay may malalim na mga kahulugan at ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, simili, personipikasyon at iba pang uri ng mga mabubulaklak at nakakalitong mga salita.
Ang mga matatalinhagang salita ay mahirap unawain ngunit ito ay nagbibigay ng interes at misteryo upang mas unawain at pilit na alamin ang ipinahiwatig ng nag sabi. Isa sa pinaka sikat na matalinhagang salita ay ang “makalaglag matsing.”
Ang kahulugan ng salitang “makalaglag matsing” ay nakakaakit, nakakahumaling o nakakahuha ng atensyon at interes. Sa Ingles, matatawag itong “enchanting.”
Karamihan sa mga unggoy ay nakatira sa mga puno. Doon ang comfort zone nila. Kaya kapag may isang bagay na nakakuha ng kanilang pansin na sapat upang bumaba sila mula sa puno, alam mo na ito ay isang bagay na gusto nila.
Marahil ito ay kung paano nabuo ang idyomang “makalaglag-matsing”. Ito ay napaka luma nang ekspresyon na lumabas sa 1914 na aklat na “Agawan ng Dangal” ni Fausta Cortes.
BASAHIN DIN: SANGGANG DIKIT – Kahulugan ng “Sanggang Dikit” At Mga Halimbawa Nito
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Makalaglag matsing ang kagandahan ng nanalo sa Miss Universe Philippines pageant.
- Makalaglag matsing yung palabas ng gwapong si Gerald Anderson at ng magandang si Gigi de Lana.
- Makalaglag-matsíng ang mga mata ni Stephanie.
- Sadya namang makalaglag-matsing ‘yang si Angela.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Karancho – Ano Ang Ibig Sabihin Ng Karancho?
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Philnews YouTube Channel
Philnews.ph FB Page
Viral Facts