Lumagay Sa Tahimik Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Lumagay Sa Tahimik? (Sagot)

LUMAGAY SA TAHIMIK KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng lumagay sa tahimik at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.

Ang mga idyoma ay isang mahalagang bahagi ng wika dahil ang mga ito ay may malakas na kaugnayan sa kultura ng lupain. Ito’y ilan sa pinakamahirap na bahagi ng isang wika para matutunan ng isang dayuhan.

Ang idyoma ay isang parirala (phrase) na may ibang kahulugan sa literal na kahulugan ng parirala. Kung sakaling marinig mo ang pariralang “lumagay sa tahimik,” ito’y isang idiyomatikong ekspresyon na nangangahulugang “magpakasal.”

Ang literal na kahulugan ng “lumagay sa tahimik” ay “ilagay ang sarili sa tahimik na kapaligiran.” Ang salitang ito ay tumutukoy sa tao o magkasintahan na magpapakasal na.

Ang salitang lumagay sa tahimik ay nagmula sa paniniwala ng mga matatanda na kapag nagpakasal ang isang tao, tinatalikuran ang mga masasamang gawain at magiging responsible na.

Ang idyoma na ito ay kadalasang ginagamit upang tumukoy sa kasal. Ito rin ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sa konsepto ng kasal na maaaring makapagpabago sa takbo ng buhay ng isang tao.

BASAHIN DIN: Namamangka Sa Dalawang Ilog Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

LUMAGAY-SA-TAHIMIK-KAHULUGAN-2
Photo Source: psiloveyou.xyz

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang lumagay sa tahimik:

  • Mula ng lumagay sa tahimik si Gavin ay di na siya muling ginambala pa ni Kelly.
  • Kailan ba kayong dalawa lalagay sa tahimik?
  • Ayaw pa ni Arian na lumagay sa tahimik kasi wala pa siyang magandang trabaho.
  • Matagal ng lumagay sa tahimik si Anthony.
  • Matagal nang magkasintahan sina Joana at Mark kaya naisipan nilang lumagay na sa tahimik ngayong taon.

BASAHIN DIN: Kabiyak Ng Puso – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment