Kaututang Dila Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Kaututang Dila? (Sagot)

KAUTUTANG DILA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng kaututang dila at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Marami sa atin ang nalilito kapag nakakatagpo tayo ng mga malalalim na salita o idyoma katulad na lamang ng salitang “kautang dila.” Ang salitang ito ay ginagamit noong unang panahon pa upang maipahayag ang iba pang katawagan sa taong kinakikitaan ng malalim na pagkakaibigan.

Sa kasalukuyang panahon, ang tawag natin sa ating malapit na kaibigan ay best friend. Sila yung mga taong lagi nating kasundo.

Ang kaututang dila, sila yung mga taong mas nakakaunawa sa atin kaysa sa iba. Maari mong ibahagi sa kanya ang iyong mga lihim at hindi ka naiirita pag kausap mo sila.

Sa kabilang banda, ang salitang “kaututang dila” ay maari ding tumutukoy sa mga taong laging may kausap sa kasalukuyang panahon bilang tsismosa.

BASAHIN DIN: Mababaw Ang Luha Kahulugan At Halimbawa Nito

Best-friends
Photo Source: vibslife

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang kaututang dila:

  • Hindi mo talaga mapaghiwalay ang makakaututang dila na iyan.
  • Para na silang kakambal ng kaututang dila niya diyan sa kanto.
  • Magmula pagka bata ay kami na ang makaututang dila.
  • Si Angela ang kaututang dila ni Michelle.

BASAHIN DIN: Buwaya Sa Katihan – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment