Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Ilaw Ng Tahanan? (Sagot)
ILAW NG TAHANAN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng ilaw ng tahanan at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang matatalinhagang salita ay nagpapaganda sa kwento kaya ito’y kadalasang ginagamit ng ating mga linggwistiko at mga manunulat. Malalim ang mga kahulugan nito o kaya’y halos walang tiyak ang ibig sabihin maliban sa literal na kahulugan nito.
Ang salitang “ilaw ng tahanan” ay isa sa pamosong matalinhagang salita sa kulturang Pilipino. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang ina o nanay ng isang pamilya.
Ang ina daw ang ilaw ng isang tahanan dahil sila ang gumagabay o nagbibigay ng direksyon sa lahat ng miyembro ng pamilya. Nagpapa liwanag sa tahanan sa pamamagitan ng pag-aalaga, pagpapakita ng pag-aaruga at pagmamahal sa bawat miyembro ng pamilya.
Ang ina ay nag bibigay payo, nagtuturo ng magagandang asal, gumagawa ng paraan kung paano mapadali ang mga gawaing bahay, at higit sa lahat, pamilya ang laging unang iniisip.
Mahalaga ang gamit ng salitang ito dahil bawat pamilya sa bansa ay mayroong ina. Mahalaga rin ito sa panitikang Pilipino dahil lagi itong ginagamit ng mga manunulat para ilarawan ang kahalagahan ng ina.
BASAHIN DIN: Kabiyak Ng Puso – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang ilaw ng tahanan:
- Ang ilaw ng tahanan ay dapat gingalang.
- Siya ang ilaw ng tahanan na nag-aalaga at gumagabay sa anak.
- Ang ating ina ay sinasabing ilaw ng tahanan dahil siya ang nag-aaruga at nag-aalaga sa atin mula pagsilang hanggang sa ating paglaki.
- Ang ilaw ng tahanan ang siyang nag-gagabay sa paglaki ng mga anak.
BASAHIN DIN: Lumagay Sa Tahimik Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page