Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Hating Kapatid? (Sagot)
HATING KAPATID KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng hating kapatid at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang ibig sabihin ng salitang hating kapatid ay magtulungan sa isa’t isa, may tiwala at pananalig. Dapat pantay-pantay ang hatian ng magkamag-anak, magkapatid o magkaibigan.
Ang matalinhagang salitang ito ay nagmula sa pagpapahalaga ng mga Pinoy sa patas na hatian ng mga magkakapatid sa pamilya. Ang Pinoy na pamilya ay sanay sa malaking bilang ng anak kaya kahit ano mang mayroon sa mesa ay dapat sapat at tapat ang hatian nito.
Ang salitang hating kapatid ay mahalaga dahil nagpapakita ng ito ng importansya ng Pinoy sa bawat miyembro ng kanilang pamilya. Ito’y nangangahulugan ng pagiging patas.
Ang pagiging patas ay mahalaga dahil pinapatibay nito ang mga relasyon ng pamilya, kaibigan, trabaho, o kalaro.
BASAHIN DIN: Pag-iisang Dibdib – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng hating kapatid:
- Hating kapatid kami sa pagkaing pasalubong ng aming tatay.
- Hating kapatid tayo sa baon ko ngayon!
- Sabi ni boss hating kapatid lang daw tayo mamaya sa pizza nyang dala kasi konti lang.
- Ayaw kasi makipag hating kapatid ni Giovani noon kaya kinarma sya ngayon.
BASAHIN DIN: Balat Kalabaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page