Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Balintataw? (Sagot)
BALINTATAW KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng balintataw at ang halimbawa nito
Ang “Ba-lin-ta-taw” ay nangangahulugang alikmata o “pupil of the eye” sa wikang Ingles. Ang iba pang katawagan nito ay inla, pupilahe, o tao-tao.
Ang balintataw ay isang butas na nasa gitna iris ng mata na nagpapahintulot ng pagpasok ang ilaw sa retina. Importante ito sa ating mata dahil dito nakasalalay ang ating paningin.
Ang ating mata ay bintana ng ating isip dahil sa mata nagmumula ang lahat ng maaring iimbak ng ating isip mula pagkabata hanggang sa pag tanda. Ang tao ay nagiging matalino dahil sa nakikita ng mata at naiimbak ng isip.
BASAHIN DIN: Kaututang Dila Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng balintataw:
- Iniingatan nya ang kanyang alagang aso gaya ng balintataw ng kaniyang mata.
- Nakikita ko parin sa aking balintataw ang mga batang naglalaro dito kahapon.
- Si Jose ay may kakayahang makakita ng nakaraan o kasalukuyang gamit ang kanyang balintataw.
- Nakita kong takot na takot sya dahil lumaki ang kanyang balintataw.
- Wala na syang makita dahil tinusok nya ng matulis na bagay ang kanyang balintataw.
BASAHIN DIN: Buwaya Sa Katihan – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page