Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Balat Sibuyas? (Sagot)
BALAT SIBUYAS KAHULUGAN– Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang balat sibuyas at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang salitang balat sibuyas ay isang idyoma. Ang idyoma o idioms sa Ingles ay matatalinhangang pahayag na nakatago sa tunay na kahulugan nito sa likod ng salita.
Hindi literal ang kahulugan ng idyoma. Kung iintindihin ang bawat payak na salita na bumubuo sa isang idyoma, hindi mo lubos maiintindithan ito.
Ang salitang “balat sibuyas” ay isa sa mga pinakasikat na idyoma. Ang salitang ito ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong madamdamin.
Ito ay binase sa halamang gulay na sibuyas dahil ito’s may manipis na balat na siyang nagpapa luha sa isang taong humihiwa at nagtatanggal nito upang gawing sangkap sa pagluluto ng pagkain.
Ang “balat sibuyas” ay naihalintulad sa katangian ng isang tao dahil mayroon talagang taong madaling masaktan o maiyak dala ng iba’t ibang sitwasyon. Ang salitang ito ay madalas ginagamit sa mga bata dahil sila’y maiyakin at sensitibo pa.
BASAHIN DIN: Kaututang Dila Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng balat sibuyas:
- Kilala si Angelo sa pagiging balat sibuyas kung kaya’t makabubuting mag-ingat sa iyong pananalita kapag kausap mo siya.
- Huwag tayong manood ng sine kasama si Michelle dahil siya ay isang balat sibuyas.
- Ang balat sibuyas kong nanay ay naging emosyonal kapag nakakakita ng may sakit.
- Ang aking kalaro ay balat sibuyas kaya madalas namin siyang nakikitang umiiyak kapag natatalo.
BASAHIN DIN: Balintataw – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page