Kasagutan: Amoy Pinipig kahulugan at mga halimbawang pangungusap.
AMOY PINIPIG KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng katagang “amoy pinipig” at ang halimbawa nito.
Ang katagang “amoy pinipig” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ang sawikain ay matatalinhagang pahayag na hindi tumpak ang kahulugan ng kanyang salita na nabuo.
Ang ibig sabihin ng salitang “amoy pinipig” ay mabango. Ang salitang ito ay nangagahulugan na mabango dahil ang pinipig ay kilala sa amoy na taglay nito.
Ang “pinipig” ay ang mga tinustang hilaw na malagkit na bigas. Ito’y may mabango at may nakakatakam na amoy. Madalas itong ginagamit bilang topping para sa iba’t ibang mga matatamis tulad ng cake, sorbetes, at kahit na inumin.
Ang “pinipig” ay naihalintulad sa tao dahil mayroon talagang mga taong gustong palaging mabango. Ang kasalungat nito ay “amoy tsiko” na ang ibig sabihin naman ay mabaho.
BASAHIN DIN: Balintataw – Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng katagang “amoy pinipig”:
- Talaga naming amoy pinipig ang artistang si Anne Curtis
- Hindi daw kasi amoy pinipig si Aling Dolores kaya iniwan na ng asawa.
- Ang dalagang anak ni Maria ay amoy pinipig.
- Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Araling Panlipunan.
- Amoy pinibig parin si Dr. Madrigal kahit buong hapon na siyang nagtatrabaho.
BASAHIN DIN: Balat Sibuyas Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page