Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Sapantaha? (Sagot)
SAPANTAHA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at halimbawa ng salitang “Sapantaha.”
Ang “sapantaha” o “intuition” sa Ingles ay isang salita na ginagamit para maipakita ang pakiramdam ng isang tao. Ito ay ginagamit kapag ang tayo ay may isang paniniwala o ideya na ang isang bagay ay maaaring totoo.
Ang salitang ito ay estado ng mental na nararamdaman kapag may kutob ang dibdib. Ito’y isang bagay na alam o nauunawaan nang walang patunay.
Ang salitang “sapantaha” ay may kasingkahulugan na kutob, hula, hinuha, agam-agam, pag-alala at hinala. Ang tao ay may malakas na hinala na pakiramdam tungkol lalo na sa hinaharap na kaganapan o resulta.
Heto ang mga gamit ng salitang sapantaha sa pangungusap:
- Mali ang sapantaha ng lahat at inyong mga iniisip dahil wala kayong sapat na batayan para sa mga ginagawa ko.
- Sapantaha ko mamayang gabi tatama ako sa lotto.
- Tanggalin mo ang iyong mga sapantaha sa iyong ama dahil nakita ko na kung ano ang totoo at hindi na mapapalitan yun dahil siya ang iyong ama.
- May sapantaha siyang mababa ang nakuha niyang grado dahil hindi siya nag-aral ng mabuti.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Wangis – Kahulugan At Halimbawa Nito
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page