Kasukdulan – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Kasukdulan? (Sagot)

KASUKDULAN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng kasukdulan gayundin, kung paano gamitin ang salitang kasukdulan sa mga pangungusap.

Sa salitang Ingles, ang “kasukdulan” ay tinatawag na “climax.” Ibig sabihin, ito ay ganap na pinakamataas at kapanabin-nabik na pangyayari sa isang kwento o palabas.

Mayroong ilang mga salita na maaaring isalin sa “Kasukdulan.” Gayunpaman, ang paggamit ng mga salitang ito ay nakasalalay sa konteksto ng pangungusap; samakatuwid, alalahanin ang iyong isinusulat.

Ang “kasukdulan”ay madalas mangyari sa pinakaaabangan ng mga tao sa isang kwento. Ang pangunahing tauhan ay maaring magtagumpay o kaya naman ay mabigo. Ito ay nagaganap kapag malapit nang matapos ang kwento.

Kasukdulan Kasingkahulugan:

  • Sukdulan
  • Rurok
  • Karurukan
  • Dulo

Kasing Kahulugan ng Kasukdulan sa Ingles:

  • Finale
  • Top
  • Summit
  • Apex
  • Climacteric
  • Milestone
  • Peak
  • Extreme
  • Pinnacle
  • Turning Point

Mga Halimbawa:

  • Sa kasukdulan ng nobela, nahanap ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili nang kaharap ang magnanakaw.
  • Sobrang hataw ng pagsayaw ni Sarah, at sukdulang nilabas niya ang kanyang makakaya dahil gusto niyang manalo. 
  • Ang kasukdulan ng kasamaan ay ang pagpatay sa anak ni Jehoiada na si Zacarias.
  • Sukdulan ang lakas ng ulan sa amin, hindi nalang ako pumasok sa trabaho.
  • Sobrang ang kaba na nadaraman ni Ivana dahil kasukdulan na ng kompitesyon.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment