Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Kariktan? (Sagot)
KARIKTAN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang kariktan at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang salitang “kariktan” o “beauty” sa Ingles ay kadalasang nakikita sa mga tekstong pampanitikan. Ito ay salita na ginagamit para maglarawan ng ng isang bagay, tao, lugar, at hayop na nakikitaan natin ng kagandahan o kamanghaan.
Kung tayo ay humahanga o nahahalina sa isang tao, pwede natin sayng ilarawan bilang “kariktan.” Kung tayo naman ay naglalakbay patungo sa isang magandang lugar, maari rin nating gamitin ang salitang ito.
Ang salitang ito ay nagmula sa salitang “marikit.” Ngunit sa pang araw-araw na pakikipag-usap, mas maririnig natin ang salitang “marikit” kaysa “kariktan.” Maari lang nating gamitin ang kahit alin sa dalawa dahil pareho lamang ang kahulugan nito.
Heto ang ilang halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang “kariktan” upang higit na maunawaan ang ibig sabihin nito:
- Kariktan ang balahibo ng ibong adarna
- Kahanga-hanga ang kariktan ng kanyang mga tula dahil sa pananalitang ginamit niya.
- Sa palagay ba ninyo ang panlabas na kariktan, sukat ng inyong damit o popularidad ninyo ay nakakaapekto sa kahalagahan ninyo sa Lumikha ng sansinukob?
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page