Mga Paraan Kung Paano Maihahalintulad Ang Sarili Sa Salamin
SARILI AT SALAMIN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba maihahalintulad ang ating sarili sa salamin.
Ang salamin ay isa sa pinakamagandang bagay na posibleng maihahalintulad sa bawat indibidwal. Ito’y dahil ang salamin ay nagpapakita ng ating sariling repleksyon.
Sabi nga ni Michael Jackson, “I’m talking to the man in the mirror, I’m hoping he can change his ways”. Sa Tagalog, ito ay: “Ako’y nakikiusap sa tao sa salamin, umaasa ako na babaguhin niya ang kaniyang mga ginagawa”.
Sa buhay, may mga bagay tayo na hindi mabuti na ginagawa. Ang mga bagay na ito ay posibleng maka-apekto sa ating personal na mga relasyon, kalusugan, at iba pa.
Kaya naman, mabisa ang salamin dahil ito’y nagpapakita ng ating sariling repleksyon, o ang mga bagay na hindi dapat ginagawa pero patuloy na ginagawa.
Walang ibang tao na makakapag-iba sa ating kapalaran kundi ang ating sarili. Kaya naman, dapat tayong maka-kuha ng leksyon sa mga pagkakamali natin. At, isa sa pinakamadaling paraan na ito ay ang pag-tingin sa salamin.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Bagay Na Kulay Asul: +5 Halimbawa Ng Mga Bagay Na Kulay Asul, Kahel