Mga Uri Ng Pagpapahalaga – Depinsyon At Halimbawa Nito

Ano Ang Mga Uri Ng Pagpapahalaga? (Sagot)

PAGPAPAHALAGA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga uri ng pagpapahalaga at ang mga halimbawa nito.

Bago natin sagutin ang katanguang ito, atin munang alamin kung ano nga ba ang pagpapahalaga. Bukod dito, atin ring pag-aaralan kung bakit nga ba ito mahalaga.

Mga Uri Ng Pagpapahalaga – Depinsyon At Halimbawa Nito

ANO ANG PAGPAPAHALAGA?

Ang pagpapahalaga ay tinatawag na “Values” sa Ingles. Ito ay nagiging basehan ng paggawa ng mga pasya o mga kilos. Bukod dito, ang pagpapahalaga ay galing sa labas ng tao. Pero, ito pa rin ang bagay na nagdidikta sa atin kung ano nga ba ang tama at mali.

URI NG PAGPAPAHALAGA

May dalawang uri ang pagpapahalaga ito ay ang “Pagpapahalagang Moral at Pagpapahalagang Kultural na Panggawi“. Sa Ingles ito ay tinatawag na “Moral Values at Cultural Behavioral Values”.

PAGPAPAHALAGANG MORAL (MORAL VALUES)

Tinatawag ito na pangkalahatang katotohanan. Ibig sabihin, kahit saan ka man sa mundo o ano man ang mga kultura at tradisyon mo, ito ay bagay na sinasang-ayunan na lahat.

Kaya naman, tinatawag ito na “Universal Truth”. Ito’y tinatanggap ng tao bilang isang kabutihan o mahalagang bagay at nagbibigay ng halaga ito sa buhay ng mga tao.

Isang halimbawa nito ay ang pagbabawal sa pagpatay. Kahit saan ka sa mundo, masasabi natin na ang pagpatay ay isang masamang gawain.

PAGPAPAHALAGANG KULTURAL NA PANGGAWI (CULTURAL BEHAVIORAL VALUES)

Dito, ang mga pagpapahalaga ay nagsimula sa loob ng mga tao. Maaari ito maging pansariling pananaw. Pero, kadalasan ito ay isang kolektibong pag-iisip o paniniwala ng isang pangkat.

Makikita natin dito ang mga pansariling pananaw o opinyon kasama na rin ang mga ugali at damdamin.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGPAPAHALAGA?

  • Kapag tayo ay mayroon pagpapahalaga nagagamit natin ang pagkakaroon ng pag-ibig sa kapwa, paggalang at pagmamalasakit.  
  • Tayo ay natutututong igalang ang dignidad ng tao.  
  • Pagmamahal sa katotohanan at naglalayo sa anumang kasamaaan.  
  • Tayo ay nabibigyan ng katarungan at kapayapaan ng kalooban.  
  • Paggalang sa anumang pag-aari  

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Slogan Sa Kahalagahan Ng Edukasyon – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment