Heto Ang Mga Halimbawa Ng Kaibahan Ng Pagsulong At Pag-Unlad
PAGSULONG AT PAG-UNLAD – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga halimbawa ng kaibahan ng pagsulong at pag-unlad.
Ang pagsulong at pag-unlad ay mga salitang kadalasang gingamit sa konteksto ng ekonomiya. Pero, ito’y ginagamit pa rin natin kapag tayo’y naglalarawan ng ating mga saril o ibang tao.
Sa konteksto ng ekonomiya, ang Pagsulong ay ating matatawag na “Growth” sa Ingles. Ito ay ang nangyayaring paglago sa ekonomiya ng isang bansa.
Pero, bago ito makakamit, dapat munang magaganap ang “pag-unlad” o “Development” ng isang bansa. Madali rin itong sukatin sa pamamagitan ng ilang mga konsepto katulad ng “gross national product” at “Gross domestic product”.
Samantala, ang pag-unlad naman ay ang pagbabago mula sa mababa na antas papunta sa mataas na antas. Mayroong pag-unlad kapag may malaking pagbabago sa sistemang panlipunan.
Heto ang mga halimbawa:
Pag-unlad: May mga bagong teknolohiya na naimbento ang isang bansa.
Pagsulong: Naging bagong kapital ng teknolohiya ang buong bansa dahil sa makabagong teknolohiya na naimbento.
Heto ang mga katangian ng isang maunlad na ekonomiya:
- Nabibigyan ng mga pangunahing pangangailangan ang mga tao sa isang patas na paraan.
- May mataas na antas ng gross national income per capita.
- Progresibo ang mga tao at ang mga batas na nagagawa.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Saan Matatagpuan Ang Fertile Crescent? – Lokasyon Ng Fertile Crescent