Sino Ang Diyosa Ng Kagandahan At Pag-Ibig? (Sagot)
KAGANDAHAN AT PAG-IBIG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung sino nga ba ang Diyosa Ng Kagandahan At Pag-Ibig.
Maraming mito tungkol sa mga Diyosa ng Pag-ibig. Pero, isa sa pinaka sikat ay ang mito ng mga Griyego at Romano.
Ang itinalaga na Diyosa ng Kagandahan ay si Venus. Siya rin ay itinatag bilang Diyosa ng Pag-ibig.
Si Venus ay ang Romanong Diyosa ng kagandahan. Itinalaga rin ito na diyosa ng pag-ibig kasama na ang pagiging diyosa ng pertilidad at pagtatalik.
Kapag ikinumpara natin si Venus sa Griyegong mito, siya ay ang katumbas ni Aphrodite. Pero, sa mito ng mga Romano, siya ang nagsisilbing ina ng mga ito. Base sa mga nakasulat sa mitolohiya, siya ay ikinumpara sa hardin dahin ito ay mabunga.
Pinaniniwalaan na si Venus ay nagkaroon ng relasyon sa diyos ng digmaan na si Mars at isang diyos na may pangalan na Vulcan.
Bukod dito, si Venus ay kilala sa dalawang pangalan. Una, ito ay kilala bilang si Victrix. Siya ay nakilala bilang isang mandirigma. Pangalawa, siya ay kilala bilang si Gentrix. Sa pangalang ito, kilala siya bilang ina ng Roma.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Comparison Of The Parent & Their Young Cow Calf – Example