Alin Sa Sumusunod Na Halimbawa Ang May Mabilis Na Tempo?
ALIN ANG MAY MABILIS NA TEMPO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung alin sa mga sumusunod na halimbawa ang may mabilis na tempo.
ANO ANG TEMPO?
Ang tempo ay isang aspeto ng musika na ating ginagamit upang bigyan ng matematikal na halaga ang kabilisan ng isang obrang musikal. Naglalarawan din ito ng galaw o kilos.
Masasbi natin na nagpapahiwatig ang tempo ng damdamin ng manunulat ng isang kanta. Kapag ating pinag-uusapan ang “tempo”, makikita natin ang mga salitang “Allegro at Andante“. Ang Allegro ay ang gingamit para sa Mabilis na tempo. Samantala, ang Andante naman ay mabagal na tempo.
SAAN GALING ANG TEMPO?
Ang salitang tempo ay hango sa Italyanong salita para sa oras. Pero, nagmula ang katagang ito sa Latin na Tempus. Heto naman ang uri ng mga tempo:
- accelerando – pabilis nang pabilis
- allegro – mabilis
- andante – mabagal
- largo – napakabagal
- moderato – hindi gaanong mabilis, hindi gaanong mabagal, katamtaman
- presto – mabilis at mas masigla
- ritardando – pabagal nang pabagal
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: 5 Halimbawa Ng Sektor Ng Industriya – Kahulugan At Iba Pang Kaalaman