Heto Ang Mga Halimbawa Ng Interpersonal Na Komunikasyon At Mga Uri Nito
INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga uri ng interpersonal na komunikasyon at mga halimbawa nito.
Ang kahulugan ng interpersonal na komunikasyon ay ang komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao. Bukod dito, masasabi rin natin na ito ay isa sa mga pondasyon ng pasalitang komunikasyon.
Makikita nating nagaganap ang interpersonal na komunikasyon sa pang araw-araw nating buhay. Dahil sa internet at teknolohiya, mas napapadali ang komunikasyong ito at hindi na kailangan na magkasama para mag-usap.
Heto ang mga uri ng komunikasyong interpersonal:
Komunikasyon ng dalawang tao – Ito ay ang pinakapayak ngunit pinakamadaling uri na komunikasyong interpersonalng. Posibleng pag-uusap ito sa pagitan ng mga magkaibigan, o kahit ang pagtatanong kung saan ang direksyon ng isang lugar ay isa na rin interpersonal na komunikasyon.
Panayam – Ang uri ng komunikasyong ito ay gumagamit ng usapang patanong. Maaari ito maging panayam na mayroong tumatanong at sumasagot.
Komunikasyon ng Grupo – Kapag may higit sa dalawang taong nag kukwentuhan katulad ng isang grupo sa isang pormal o di-pormal na talakayan, ito ay matatawag na komunikasyong ng grupo.
Sinasabing mas mahirap ang komunikasyong ito dahil kailangan ng promal na namamagitan sa maraming tao dahil at kooperasyon ng bawat kasapi.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Katangian Ng Abstrak – Kahulugan At Halimbawa Nito