Heto Ang Mga Programa Na Nagawa Ni Manuel Roxas Sa Kanyang Panunungkulan
PROGRAMA NI ROXAS – Si Manuel Roxas ang ika-limang presidente ng Pilipinas at kilala ito bilang isa sa pinaka-magaling na presidente ng ating bansa.
Maraming programa na ipinatupad si Roxas, lalo na sa larangan ng ekonomiya ng ating bansa. Heto ang mga halimbawa ng programang pang ekonomiya ni Roxas:
- pagsasaayos ng elektripikasyon
- pagsasanay sa mga gawaing bokasyunal
- pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang
- paghikayat sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa bansa
- pagpapalaki ng produksiyong magpapaunlad ng industriya at pagsasaka
Itinatag rin ni Roxas ang iba’t-ibang korporasyon sa larangan ng agrikultura katulad ng:
- NARIC- National Rice and Corn Corporation
- NACOCO- National Coconut Corporation
- NAFCO- National Abaca and other Fibers Corporation
Bukod sa mga korporasyon na naglalayong matulungan ang ating mga magsasaka, ginawa rin ni Roxas and Rehabilitation Finance Corporation (RFC). Ito’y nag lalayong tulungan ang mga tao, kasama na rin ang mga pribadong kompanya na maka tayo muli matapos ang digmaan.
Ginawa rin ni Roxas sa panahon ng kanyang panunungkulan ang Pro-American at Anti-Communist na mga programa katulad ng sumusunod:
- Pagpapanatili ng maayos na relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos.
- Pagpapatayo ng military base ng mga Amerikano sa ating bansa
- Pagtiyak na matulungan tayo ng Americano sa panahon ng pakikipagdigmaan
- Pagpapatibay ng PARITY RIGHTS
ANO ANG PARITY RIGHTS?
Sa panahon ni Roxas, ang Parity Rights ay itinatag sa kahilingan ng Estados Unidos para mabigyan ang mga Amerikano ng pantay na karapatan sa paglinang at paggamit ng likas na yaman ng Pilipinas, katulad ng mga Pilipino.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Hinuha Kahulugan At Halimbawa Nito – Paano Gamitin Ang Hinuha?