Heto Ang Mensahe Ng Kantang Pananagutan
KANTANG PANANAGUTAN – Marami tayong mga mensahe na makukuha ng kantang “Pananagutan” ni Padre Eduardo Hontiveros SJ.
Sa unang taludtod ng kanta, makikita natin ang mga lyrics na:
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay
Para sa sarili lamang
Sinasabi dito na tayong lahat ay may pananagutan, hindi laman sa ating sarili kundi pati na rin sa ating kapwa, at higit sa lahat, para sa Diyos.
Ito ay madalas na itanghal sa panahon ng Kuwaresma, ngunit ito ay inaawit din sa ibang mga oras. Hindi lang ito isang himig ng Kuwaresma.
Pero, ating dapat tandaan na ang pangunahing aral, o ang gintong aral ng “Pananagutan” ay tayo ay mayroong pananagutan sa Diyos. At, magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa kanyang mga yapak.
Isang halimbawa nito ay ang pagiging mabuti sa ating kapwa. Kailangan din nating ituring ang isa’t-isa bilang kapwa dahil tayong lahat ay iisa lamang sa mata ng Diyos.
Gawin ang iyong makakaya upang maging isang mabuting kapwa. Maging kaaya-aya. Ang mga tumutupad sa kanilang pangako na maging mabuting kapwa ay pinupuri ng Panginoon.
Ipinakikita ng bawat tao ang kanilang pagmamahal sa Diyos na ipinagkatiwala sa lahat ng tao ang responsibilidad na ito sa pamamagitan ng pagiging mabait sa isa’t isa.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Ano Ang Batuhang Bola? Paano Ito Nilalaro At Halimbawa Nito