Heto Ang Mga Halimbawa Ng Katangian Ng Abstrak
ABSTRAK – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga halimbawa ng katangian ng abstrak at ang kahulugan nito.
Una sa lahat, atin munang bigyan ng depenisyon ang salitang “Abstrak”. Kapag tayo ay gumagawa ng mga sulatin o mga pananaliksik, ating kailangan ang abstrak.
Ito’y dahil ang abstrak ay ang pinakabuod ng ating mga pananaliksik at nakapaloob dito ang pangunahing ideya ng ating pagsururi. Heto ang mga katangian na dapat nating isaalang-alang.
Ang buod ng isang sulatin o pag-aaral ay tinatawag na abstract. Ang lahat ng mga detalye at konsepto ay dapat na inilatag at makikita sa isang abstract.
Bukod dito, mga batayang konsepto at ideya lamang ang ipinapaliwanag sa isang komprehensibong paraan upang lubos na maunawaan at pahalagahan ng mambabasa.
ANO ANG NILALAMAN NG ABSTRAK?
- Rationale o layunin ng pag-aaral
- Suliranin ng Pananaliksik
- Saklaw at Delimitasyon ng Pananaliksik
- Resulta at Konklusyon ng Pananaliksik
BAKIT MAHALAGA ANG ABASTRAK?
Dahil ang abstract ay bahagi ng isang research paper na naglalaman ng summary o overview ng ginawang pag-aaral, mahalagang basahin at unawain ang buong research paper bago simulan ang pagsulat nito.
Mainam na basahin at unawaing mabuti ang abstrak bago ito mabuo at isulat dahil ito ang magpapaliwanag at magbibigay liwanag sa mga mambabasa tungkol sa kalakaran, natuklasan, at konklusyon ng pananaliksik.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: 10 Frozen Speech Style Examples – English/Tagalog Frozen Speech