Ano Ang Kakayahang Makaramdam Sa Isang Karanasan At Tumugon Na Hindi Dumadaan Sa Katwiran?
KAKAYAHANG MAKARAMDAM – Kapag ang ating kilos na dulot ng isang karanasan na hindi dumadaan sa katwiran ay tinatawag na panloob na pandama o “Instincts” sa Ingles.
Lahat ng mga tao at hayop ay mayroong panloob na pandama. Ito ay isang bagay na tumutulak sa mga tao na gumawa ng isang kilos na walang padalos-dalos.
Sa mga kagubatan, makikita natin agad ito sa mga hayop na umaalis kapag may nakasalubong na mga tao. Isang halimbawa din nito ay ang mga ibon na lumilipad palayo kapag malapit nang umulan.
Ang mga tao ay mayroon ding kakayahan na ito. Ngunit, dahil naging komportable na ang mga tao dulot ng pag-angat ng teknolohiya, nawawala ang ating mga primal instincts.
Subalit, may mga panloob pa rin na pandama ang mga tao na palagi nating nakikita. Halimbawa, ang mga panloob na pandama natin tungkol sa mga masasamang tao, o sitwasyon na hindi kanais-nais.
Ang kamalayan, memorya, imahinasyon, at instinct, na sinasabing ugat ng paggawa ng desisyon kahit hindi dumaan sa katuwiran dahil ito ang reaksyon na nag-uugat sa pagnanais na umiwas sa anumang masama, ay kabilang sa mga panloob na pandama na ating ginagamit sa tumutugon kahit hindi dumaan sa katuwiran.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Negatibong Epekto Ng Internet – 5 Halimbawa At Kahulugan Nito