Filipino Bilang Wikang Pambansa At Kasaysayan Nito

Heto Ang Kasaysayan Ng Filipino Bilang Wikang Pambansa Ng Pilipinas

FILIPINO – Alam nating lahat na ang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas, pero ano ang kasaysayan nito bilang Lingua Franca ng ating bansa?

Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang kasaysaysan ng wikang Filipino at kung paano ito nabuo. Bukod dito, ating ring tatalakayin ang kahalagahan ng wikang Filipino para sa ating tradisyon at kultura.

Filipino Bilang Wikang Pambansa At Kasaysayan Nito

Noong Nobyembre 13, 1986, itinayo ang unang Pambansang Asamblea para suriin ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Ang unang pinag-usapang gamitin ay ang wikang Tagalog dahil marami ang gumagamit nito.

Karagdagan, ang Tagalog ay hindi nahahati-hati sa mga maliliit na Diyalekto katulad ng Bisaya. Gayundin, mas maraming mga aklat na nakasulat gamit ang wikang Tagalog.

Isa rin sa mga dahilan ng pagpili ng Tagalog ay dahil ito rin ang ginagamit ng mga tao sa Maynila, ang sentrong pampulitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.

Pero, noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa Tagalog. At, noong 1973, nag takda ang Saligang Batas ng bagong pambansang wika na pumalit sa Pilipino at ito ay tinawag na Filipino.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Salitang Naglalarawan Sa Matiwasay Na Lipunan – Halimbawa

Leave a Comment