Elemento Ng Kabutihang Panlahat – Kahulugan At Halimbawa

Heto Ang Mga Halimbawa Ng Elemento Ng Kabutihang Panlahat

KABUTIHANG PANLAHAT – Kapag sinabi nating kabutihang panlahat, may tatlong pangunahing elemento tayong ng kabutihan na makikita.

Ang tatlong elemento na ito ay ang sumusunod:

  1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.
  2. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
  3. Ang kapayapaan o peace.
Elemento Ng Kabutihang Panlahat – Kahulugan At Halimbawa

BAKIT MAHALAGA ANG MGA ELEMENTONG ITO?

Mahalag ang mga elementong kabutihang panlahat dahil ito ay ang pondasyon ng paggawa ng mabuti. Ito ay nagsisilbing palatandaan na dapat ay gumawa tayo ng tama.

Ang paggalang sa indibidwal na tao

Ang kabutihang panalahat ay nagbibigay halaga sa kalikasan ng isang indibidwal. Kaya naman, mas mabuti kung may galang ang isang tao sa kanyang dignidad. Bukod dito, responsibilidad ng mga tagamuno na bigyan ng karapatan ang lahat ng tao at kilalanin ang at protektahan ang mga ito.

Ang Tawag ng Katarungan o Kapakanang Panlipunan ng Pangkat

Ang kaunlaran ang isa sa pinakamahalagang aspetong panlipunan. Pero paano ba natin makilala ang isang lugar bilang maunlad?

  1. Malinis ang paligid
  2. Umuunlad na sistemang pang-ekonomiya
  3. Pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan
  4. Kapayapaang namamagitan sa bawat indibidwal
  5. Epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad
  6. Makatarungang sistemang legal at pampolitika

KAPAYAPAAN

Isa sa pinaka gusto natin sa isang lugar ay ang kapayapaan. Ating tandaan na ang kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katahimikan o walang kaguluhan sa isang lugar. Ang kapayapaan ay siya ring taga ligtas sa isang tao sa pagkakaroon ng kaguluhan.

BASAHIN DIN: Bakit Tinawag Na Pamahalaang Papet Ang Ikalawang Republika? (Sagot)

Leave a Comment