Heto Ang Dahil Kung Bakit Tinawag Na Pamahalaang Papet Ang Ikalawang Republika Ng Pilipinas
PAMAHALAANG PAPET – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba tinawag na pamahalaang papet ang ikalawang republika ng ating bansa.
Ang pamahalaang Papet o Puppet ay itinatag sa panahon ng mga Hapones. Sa pagkakataong ito, si Jose P. Laurel ang namuno bilang pangulo ng pamahalaan. Bukod dito, ang Papet ay tinawag din na Ikalawang Republika ng Pilipinas.
BAKIT PAPET ANG TAWAG DITO?
Ang pamahalaang puppet ay tinawag na ganito dahil ang mga Hapones talaga ang may hawag sa pamahalaan. Inuutusan lamang ng mga hapones ang mga taong nanunugkulan na Pilipino na parang mga papet o “puppet” sa Ingles.
Walang magawa si Laurel, kaya pinili niyang maging pagkahutukin sa mga hapon sa pag-asang mabawasan ang pagsasamantala ng mga mananakop.
Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, dinagdagan ng mga sundalong Hapon ang kanilang pagsasamantala at pang-aabuso sa kababaihan.
Pinagsasamantalahan din ng mga Hapones ang likas na yaman ng Pilipinas, at sila ang naninindigang kumikita dito.
Dahil dito, nilikha ang gerilya sosyalista at komunistang organisasyon ng Pilipinas na HUKBALAHAP upang wakasan ang kolonisasyon ng mga Hapones sa bansa.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Ano Ang Intelektwalisasyon? – Kahulugan At Halimbawa Nito