Heto Ang Halimbawa Ng Intelektwalisasyon At Ang Kahulugan Kung Ano Nga Ba Ito
INTELEKTWALISASYON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang intelektwalisasyon at ang mga halimbawa nito.
Pagdating sa pagpapalaganap ng isang wika, ang intelektwalisasyon ay isang mahalagang bagay na dapat pag-usapan. Kaya naman, ating sasagutin kung ano nga ba ito.
Ang intelektwalisasyon ay ang pagpapaunlad ng isang wika sa isang antas na maaaring magamit para maka kuha ng impormasyon. Bukod dito, ito’y naglalayon na magamit ang hindi pa intelektwalisadong wika sa pagtuturo at komunikasyon.
INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO
Ang wikang Filipino ay ang ating pambansang wika. Ito ang ginagamit sa pagtuturo, komunikasyon, at mga pormal na dokumento sa ating bansa. Pero saan nga ba pumapasok ang intelektwalisasyon dito?
Dapat gamitin ang Filipino sa lahat ng sektor at disiplina bilang bahagi ng intelektwalisasyon. Ang “modernisasyon” at “paglilinang” ng wika ay mga alternatibong salita para sa intelektwalisasyon sa pagpaplano ng wika.
Pagsasalin mula sa mga katutubong wika sa Filipino at mula sa mga banyagang wika sa Filipino; at retooling o muling pagsasanay ng mga guro sa paggamit ng Filipino sa mga pag-aaral sa kultura, gayundin sa mga agham, teknikal na asignatura, at iba pang larangan.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHN DIN: Kakayahang Makaramdam Sa Isang Karanasan: Kahulugan At Halimbawa