Ano Ang Batuhang Bola? Paano Ito Nilalaro At Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Batuhang Bola?”

BATUHANG BOLA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang batuhang bola at kung paano ito lalaruin.

Sa Ingles, ang “batuhang bola” ay tinatawag na Dodge Ball. Ito ay isang laro kung saan may dalawang panig na naglalaro.

Nagsimula ito bilang isang larong kalye. Ang mga manlalaro ng batuhang bola ay may binabato na bola habang umiiwas sa mga bolang binabato ng kalaban.

Ano Ang Batuhang Bola? Paano Ito Nilalaro At Halimbawa Nito

KASANAYAN SA BATUHANG BOLA

Kailangang iwasan ang bola na ibinabato ng kalaban. Samantala, ang isang grupo naman ay bumabato ng bola. Kung masalo ng kalaban ang bola, maibabalik nila ang isang miyembrong naalis sa laro.

KASAYSAYAN NG BATUHANG BOLA

Hindi tiyak kung kailan nag simula ang batuhang bola. Ngunit, ito ay larong Pinoy na naimbento hango sa “Dodge Ball”. Sa larong ito, sinisikap ng mga miyembro ng dalawang koponan na umiwas sa bola.

Ang paglukso, pag-iwas, at pagtalon at paglakbay sa kabilang bahagi ng pinaglalaruan ang karaniwang ginagawa ng grupo na nasa gitna.

Nagmula ang Batuhang Bola sa Africa. Ito ay nilalaro doon nang mahigit dalawang daang taon na ang nakalilipas. Ang orihinal na bersyon nito ay mas nakamamatay at mas masakit dahil sa halip na rubber balls, bato o nabubulok na bagay ang ginamit nila. Ang bersyon na iyon ay nilalaro ng mga tribong Aprikano upang sanayin sila.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Dahilan Ng Kakapusan – Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito

Leave a Comment