Heto Ang Mga Halimbawa Ng Uri Ng Akademikong Sulatin
AKADEMIKO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang ibig sabihin ng akademikong sulatin at ang mga halimbawa ng uri nito.
Ano nga ba ang Akademikong Sulatin?
SAGOT: Ang pagsulat ng akademikong sulatin ay maayos at sistematikong pamamaraang pagsulat tungkol sa isang pangyayaring panlipunan. Ito ay pormal, may layunin, may pananagutan, may paninidigan, at malinaw.
Mayroong 7 na uri ng Akedemikong Sulatin. Ito ay ang mga sumusunod:
1.Akademikong sanaysay – Kadalasan, ito ay sanaysay para sa Kolehiyo. Ang isang sanaysay ay nakasulat na may isang solong pokus at pananaw.
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng isang damdamin sa madla. Ito ay komunikasyon sa pamamagitan ng publication na may layunin na maihatid kung ano ang ninanais sa parehong partido.
Halimbawa: isang argumentative essay, isang mapanimdim na sanaysay, o isang sanaysay sa paglalakbay.
2. Konseptong Papel – Ang isang konseptong papel ay isang malawak na pahayag na nagpapaliwanag kung ano ang sinusubukan mong patunayan, linawin, o tukuyin. Ito ay isang konseptong nagmula sa balangkas ng paksa na tatalakayin.
Halimbawa: isaalang-alang ang mga pangunahing sanhi ng katiwalian sa aming administrasyon. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang suriin ang mga dahilan ng katiwalian ng gobyerno at imungkahi ang isang solusyon.
3. Abstrak – ito’y ginagamit sa pag likha ng akademikong papel para sa siyantipikong pangangailangan, mga aralin, tesis at iba pang mga report. Layunin nitong mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
4. Ulat Aklat – Isang sulating akat o oral na sulatin. Ito ay nagpapakita ng buod at nagsusuri ng isang gawang katha o hindi katha.
5. Posisyong Papel – Ito ay isang uri ng detalyado at pormal na pahayag sa isang suliranin at nagpapakita ng posisyon, pananaw o patakaran at nagpapahayag ng pagkilos.
6. Lakbay Sanaysay – Ang uri ng sulatin na ito ay nagbibigay ng paglalarawan ng sa mga karanasan, gabay o damdamin sa pglalakbay sa iba’t-ibang mga lugar.
Halimbawa: Travel blog na nagsisilbing makabagong paraan at dokumentaryo ukol sa iyong paglalakbay.
7. Replektibong Sanaysay – Diro, sinusulat ang mga ideya, konsepto at katotohanan sa pamamagitan ng lohika at pag-iisip ng kritikal. Galing sa mga karanasan ng isang indibidwal ang basehan dito..
Halimbawa: Replektibong sanaysay para sa Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Encomienda – Halimbawa At Iba Pang Kaalaman