Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tagalog Na Spoken Word Poetry Tungkol Sa Wika
SPOKEN WORD POETRY – Ang spoken word poetry ay ang binibigkas na tula at ginamit ito upang magkwento – heto ang mga halimbawa tungkol sa wika.
Ang Spoken Word Poetry ay isang uri ng tula kung saan binabasa ng may-akda ng malakas ang tula sa madla, o “isinalaysay”. Ang binibigkas na tula ng tula ay mas mapanlikha at mapaghamong gumanap kaysa sa tradisyonal na tula.
PAANO SUMULAT NG SPOKEN WORD POETRY?
Katulad lamang ng isang tula, ang spoken word poetry ay gumagamit ng damdamin upang maipahayag ang saloobin ng sumulat. Ngunit, ating tandaan na kapag spoken word poetry ang pinag-uusapan, ito’y itinatanghal para sa madla.
Kaya naman, ang ating sulat ay dapat gawing malikhain at ang mga mahahalagang parte ay binibigyan ng diin, ito man ay sa pataas o pababa ng boses.
Heto ang mga halimbawa ng Spoken Word Poetry na sumasalamin sa ating wika, ang wikang Filipino.
Wikang Filipino BANGON/SongAeJo
Spoken word poetry tungkol sa Wikang Filipino.
Mga binibini, ginoo at kapwa kong mga kabataanAlisin muna sa utak ang pusong nasugatan.
Iisantabi ang mga taong sa atin ay nangiwan
Pwede bang sariling wika naman ang ating ipaglaban?
Labas muna tayo sa imahinasyon at limutin ang dulot nina Popoy at Basha.
Nasubukan mo na bang kamustahin ang ating wika?
Na tumutulong sa’tin upang tayo ay magkaisa
Ngunit sa paglibas ng panahon ito’y naluluma dahil mas pinipili natin gumamit ng wikang banyaga.
Bakit ba Ingles? dahil ba ito ang basehan ng talino?
Wag kang sumabay sa agos ng globo, Ikaw ang gumawa ng mundo mo.
Huwag isipin ang sasabihin ng ibang taoTumayo ka sa tuktok at ipagmayabang na ika’y Pilipino.
Humuhuni ang mga ibonSumisigaw ang mga leon
May sariling katutubong wika ang bawat nayon
Lahat tayo’y may pagkakakilanlan yan ang batid ko’t layon.
Baliwala ang pakikipagtunggali ng ating mga bayani sa mga parokya
Kung mas tatangkilikin natin ang ibang salita
Sa pagpili ng gagamiting lengwahe, Oo tayo’y malaya
Gusto kong bigyang diin na iwagayway ang ating wika para sa ikauunlad ng bansa.
Wikang Filipino bangon
Huwag magbulag-bulagan sa kahirapa’y tayo’y aahon
Wag matakot! Pumalag tayo sa sistemang lumalamon
Ilaban ang sariling atin ano mang lagay o hamon.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Kwentong Makabanghay Halimbawa At Kahulugan Nito
Maganda ang pagkagawa.
Tumatagos sa puso.